11 Septyembre 2007 – Bilang paggunita sa ika-100 taong pagkabayani ni Macario  de Leon Sakay, idinaos ang isang Pasundayag ng mga Bibihirang Basahin (Rare Book Exhibit) sa silid ng Special Collections.  Ito ay bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng pagkabayani at pagkamatay ng dating supremo ng Kataastaasang Kagalanggalangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).

Ang mga aklat at mga iba pang nasulat ukol kay Sakay ay maaring matunghayan sa nabanggit na silid sa ikalawang palapag ng Bulwagang Gonzalez.

Taliwas sa mga nasusulat kay Sakay at ng kanyang mga kasama sa KKK, sila ay hindi mga tulisán kundi mga tunay na bayani na ang nais lamang ay ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga dayuhan.  Iilan lamang ang mga Pilipino noon na naniniwala na sila ay mga bayani, kabilang dito ang manunulat na si Antonio K. Abad, ang historiador na si Jose P. Santos at ang balo ni Andres Bonifacio na si Gregoria de Jesus. –ECLagrama 

Advertisements